VI
CAPITAN
TIAGO
Sundin
ang loob Mo dito sa lupa!
1 Samantalang
natutulog o nag-aalmusal ang mga kasama natin, balikan natin sandali
si Capitan Tiago.
2 Maliit
siya, maputi, at bilog ang katawan. Mukha siyang mas bata kaysa tunay
niyang edad at
papasang
30 o 35 taon lang. Marami
raw laman ang bungo niyang bilog at
maliit. Itim
ang buhok niyang
mahaba sa harap at maikli
sa likod. Hindi nagbabago ang emosyon sa mga
mata niyang maliliit
ngunit hindi singkit.
Manipis ang ilong niya pero hindi pango. Tinabingi
ang bibig niya ng
tabako at buyo—na
ang sapa
ay iniipon niya sa isang pisngi. Kundi
dahil dito, halos masasabi
nang totoo ang paniniwala
niyang maganda siyang
lalaki. Sa kabila ng mga bisyong ito, napanatili niyang puti ang
kaniyang ngipin, pati ang dalawang pustisong ipinahiram sa kaniya ng
dentista nang 12 piso ang isa.
3 Isa
siya sa pinakamayamang may-ari ng lupa sa Binondo, at isa sa
pinakaimportanteng hacendero sa Pampanga at Laguna, lalo na sa Bayan
ng San Diego. Paborito niya ang San Diego dahil sa mga paliguan nito,
mga sikat na sabungan, at mga alaala niya roon. Dalawang buwan sa
isang taon ay naroon siya.
4 Maraming
lupa si Capitan Tiago sa mga kalyeng Sto. Cristo, Anloague, at
Rosario.
Nagtitinda sila ng opium
ng isang Tsino, at di na kailangang sabihing malaki ang kinikita niya
rito. Nasa kaniya ang kontrata ng pagkain ng mga preso sa Bilibid
pati ang rasyon ng damong pagkain ng kabayo sa malalaking bahay sa
Maynila.
5 Kaibigan
siya ng mga nasa-awtoridad. Isip-negosyante siya, mautak, magaling
makibagay sa sitwasyon at manghula ng kailangan ng tao. Dahil dito,
siya lang ang kinatatakutang karibal ni Perez sa mga posisyon at
gawaing ibinibigay ng gobyerno sa mga pribadong tao.
6 Kaya
naman masaya si Capitan Tiago. Mayaman siya, kasundo ng Diyos, ng
gobyerno, at ng kapwa tao.
7 Walang
dudang kasundo niya ang Diyos. Pero
hindi siya
lumalapit sa Diyos kapag nagdarasal, kahit seryoso ang problema niya.
Mayaman
siya at ang ginto niya ang nagdarasal para sa kaniya. Para
sa Misa at panalangin, gumawa ang Diyos ng mga prayle. Para naman
magnobena at magrosaryo,
ginawa ng Diyos sa
Kaniyang Walang-hanggang Awa ang
mahihirap—na
bigyan mo lang ng piso ay
magdarasal na ng
15 misteryo ng rosaryo at
magbabasa ng
lahat ng banal na aklat. Pati
Bibliyang Hebreo
kung taasan ang bayad.
8 Kung
matindi
ang pangangailangan, tumatawag siya sa mga santo’t nangangako ng
kung-anu-ano para mapilitan silang ibigay ang hinihingi niya.
Ngunit
ang
paborito niya sa lahat ng ito ay ang Birhen ng Antipolo, ang Nuestra
Señora de la Paz y Buenviaje1.
Naniniwala
siyang mas makapangyarihan at epektibo ang Birhen ng Antipolo kaysa
lahat ng ibang Birhen. Posibleng dahil ito sa reputasyon niya ng
pagiging istriktong babae. Alam
ng lahat na may mga taong mas gusto ng diktador kaysa demokratikong
pinuno. Itanong ninyo kay Louis XIV, Louis XVI, Philip II, at Amadeus
I.
9 Sa
likod ng isang kurtina sa
sala ni Capitan Tiago, may
pintuang papunta sa maliit na kapilya na hindi puwedeng wala sa mga
tahanang Filipino. Doon nakalagay ang mga diyos niyang
pambahay—sinasabi kong “mga diyos” dahil mas naniniwala siyang
maraming diyos kasya na iisa ang Diyosi.
May
mga imahen ng Banal na Mag-anak na obra
maestra ng mga
eskultor ng Santa Cruz.
May mga
larawang gawa ng mga pintor na taga-Paco at Ermita.
10 Sino
ang makapaglilista
sa mga imaheng iyon—kulang
ang isang kabanata. Gayumpaman kailangang
banggitin ang isang
kahoy
na
San Miguel Arcangel na halos 4 na talampakan ang tangkad. Hawak
nito ang isang Griyegong panangga at isang kris mula sa Sulu. Mukha
itong handang
hambalusin—hindi ang
demonyo—kundi ang
nagdarasal
mismo.
Hindi nilalapitan ni Capitan Tiago ang imaheng ito sa takot niyang
magkamilagro. Hindi ba’t marami
nang nabuhay na
imahenii—kahit
iyong magagaspang na mula sa Paete—para
parusahan ang mga
makasalanan? “Mabuti
na ang sigurado,” sinasabi niya sa sarili. “Alam kong arcangel
siya pero duda ako sa kaniya, duda ako.”
11 Taun-taon
siyang
pumupunta sa altar ng Antipolo kasama
ang isang orkestra.
Nagbabayad
siya ng 400
piso para sa dalawang
Misa. Mura
kung tutusin, kapag inisip ang dagdag-kita sa negosyo dahil dito.
Naliligo
siya
pagkatapos
sa batis kung saan naligo rin daw
ang
Birhen.
Nakikita pa raw
roon hanggang
ngayon ang bakas ng kaniyang paa. Naroon
din sa matigas na bato ang lugar
kung saan niya pinatuyo ang kaniyang buhok—katulad
ng sinumang babaeng gumagamit ng langis ng niyog—na
para bang
gawa
sa bakal ang
kaniyang buhok at may bigat siyang isang libong tonelada. Doon
siya kumakain
ng litson, sinigang na dalag na may dahon ng alibambang, at iba pa.
12 Ngunit
hindi lang Antipolo ang tanghalan ng kaniyang magastos
na debosyon. Sa Binondo,
Pampanga, at sa bayan ng San Diego, kapag may manok siyang ilalaban
sa sabong at malaki ang taya, nagpapadala siya ng gintong pera para
ipagmisa siya ng kura. At
tulad ng mga Romanong
kumokonsulta sa augur2,
binabasa ni Capitan Tiago ang kaniyang
suwerte sa apoy ng mga
kandila, sa
usok ng insenso, sa boses
ng pari. Minamahal ng mga pari, nirerespeto ng mga sacristan,
pinagbibigyan ng mga nagtitinda ng kandila at paputok, si Capitan
Tiago ay isang taong masaya sa relihiyon ng mundong ito.
13 Walang
dudang maayos si Capitan Tiago at ang gobyerno. Lagi
siyang handang ibigay ang luho ng sinumang opisyal. Nagreregalo
siya ng hamon, manok na
capon, pabo, at mga prutas ng Tsino. Kapag narinig niyang may
naninira sa mga indio, nakikisali siya at
dinadaig pa niya
ang insultong nauna. Hindi
niya itinuturing na indio ang sarili. Sumasali
rin siya sa pang-iinsulto sa
mga Tsino at
mestizong Kastila, dahil itinuturing niya ang sariling purong
Espanyol.
14 Lagi
siyang unang pumupuri sa anumang bagong buwis, lalo kung may naaamoy
siyang kontratang magiging bunga nito. Lagi siyang may orkestrang
nakahandang batiin ang mga opisyal
sa kanilang binyag o
kaarawan, sa pagkakapanganak o pagkamatay ng isang kamag-anak, at sa
ano pa mang mangyaring kakaiba. Sa mga ganoong okasyon, nagpapagawa
siya ng mga loa3
kung saan ipinagdiriwang ang “mabuti at mapagkalingang gobernador”,
“ang huwes nating matapang/sa langit ay hinihintay/ng kamay ng
katarungan,” at maraming iba pa.
15 Presidente
siya ng mayamang samahan ng mga mestizo sa kabila ng reklamo ng mga
miyembrong hindi siya itinuturing na isa sa kanila. Ang frak at
mataas niyang sombrero’y
nakita sa munisipyo, sa palasyo ng gobernador-heneral, at sa kuta ng
mga militar. Nakita
rin ang frak at sombrero sa sabungan, palengke, prusisyon, sa mga
tindahan ng Tsino. At
sa ilalim nito, si Capitan Tiago—inaayos at ginugulo ang lahat ng
bagay.
16 Kaya
walang nakitang problema sa kaniya ang mga awtoridad—mapayapa,
utu-uto, at hindi nagbabasa ng anumang libro o diyaryo mula sa
Espanya kahit magaling siyang mag-Espanyol. Para
sa kanila, para siyang
upod
na takong
ng kanilang
sapatos.
Sa kaso niya nagkakatotoo pareho ang kasabihang Kristiyano na
na beati
pauperes spiritu at
ang
kasabihang
kabastusan na
beati
possidentes4.
At maituturing ding totoo sa kaniya ang maling salin mula sa Griyego
na “Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa
mga taong may mabuting kalooban!” kahit na makikita
natin kalaunan na hindi sapat ang kabutihang-loob upang mabuhay nang
payapa.
17 Para
sa mga walang-galang, isa siyang tanga. Para sa mahihirap, isa siyang
taong
walang-puso,
na
sinasamantala
ang kahirapan
ng iba. Para sa mga mas mababa sa kaniya, isa siyang abusadong
diktador. Para naman sa mga kababaihan, ah, ang kababaihan! May mga
tsismis na kumakalat tungkol
sa
mga ina
at sanggol na sabay umiiyak sa mga kawawang
bahay-kubo. May
mga
babaeng dinuduro ng mga kapitbahay, habang namumutla at nakatingin sa
lupa. Ngunit hindi siya ninakawan ng tulog ng mga bagay na ito. Hindi
siya nagagambala
sa
sinumang dalaga. Isang matandang babae ang dahilan ng kaniyang
pagdurusa, isang
babaeng karibal niya sa kabanalan at sa papuri ng mga kura.
18 Sa
pagitan ni Capitan Tiago at ang
balong5
ito ay may banal na paligsahang pabor sa Simbahan, tulad ng
paligsahan ng mga barko sa Pampanga na pabor naman sa publikoiii.
Naniniwala ang kaniyang mga tagahanga na gagawin agad siyang santo
pagkamatay niya at si Capitan Tiago mismo ay kailangan siyang
sambahin sa mga altar. Payag naman dito si Tiyago sa kundisyong
mamatay na agad ang Doña.
19 Ganoon
si Kapitan Tiago sa panahong ikinukuwento ko. Kung nakaraan naman ang
pag-uusapan, kaisa-isa siyang anak na lalaki ng isang mag-aasukal sa
Malabon. Mayaman ito ngunit kuripot—ayaw gastusan ng kahit isang
sentimo ang edukasyon ng kaniyang anak. Dahil dito, naging utusan ang
batang Santiago ng isang Dominikano—isang taong mabuti at marangal,
na nagsikap na sanayin ang bata sa lahat ng kabutihang kaya niyang
ituro. Nang magsimula na siyang mag-aral ng Lohika—namatay naman
ang kaniyang protektór, na sinundan naman ng kaniyang ama. Dahil
dito, nahinto ang kaniyang pag-aaral at nagsimula siyang magnegosyo.
20 Pinakasalan
niya ang isang magandang dalagang taga-Sta. Cruz, na nagpataas ng
antas niya sa lipunan at nakatulong sa kaniyang pagpapayaman. Hindi
nakuntento si Doña Pia Alba sa pagbili ng asukal, indigo, at kape.
Nais
niyang magtanim at mag-ani, kaya bumili ang bagong-kasal ng mga
lupain sa San Diego. Sa
panahong ito nila naging kaibigan sina Padre Damaso at Don Rafael
Ibarra, ang pinakamayamang negosyante sa bayang iyon.
21 Anim na taon na silang nagsasama ngunit di pa nagkakaanak. Dahil dito, lalong tumindi ang pagnanais nilang yumaman. Maganda si Doña Pia, malakas, at malusog, ngunit walang nagawa ang kaniyang pagnonobena, ang pagbisita niya sa Birhen ng Kaysaysay sa Taal, ang pagbibigay niya ng limos sa mahihirap, at ang pagsasayaw niya nang tanghali ng Mayo sa Birhen ng Turumba sa Pakil. Walang naibunga ang lahat ng ito hanggang sa payuhan siya ni Padre Damaso na pumuntang Obando at sumayaw sa pista ni San Pascual Bailon, at hingan ito ng isang anak na lalaki. Alam ng lahat na may trinidad sa Obando na nagbibigay ng anak na lalaki o babae ayon sa ipinakikiusap—ang Birhen ng Salambaw, si San Pascual Bailon, at si Sta. Clara.
21 Anim na taon na silang nagsasama ngunit di pa nagkakaanak. Dahil dito, lalong tumindi ang pagnanais nilang yumaman. Maganda si Doña Pia, malakas, at malusog, ngunit walang nagawa ang kaniyang pagnonobena, ang pagbisita niya sa Birhen ng Kaysaysay sa Taal, ang pagbibigay niya ng limos sa mahihirap, at ang pagsasayaw niya nang tanghali ng Mayo sa Birhen ng Turumba sa Pakil. Walang naibunga ang lahat ng ito hanggang sa payuhan siya ni Padre Damaso na pumuntang Obando at sumayaw sa pista ni San Pascual Bailon, at hingan ito ng isang anak na lalaki. Alam ng lahat na may trinidad sa Obando na nagbibigay ng anak na lalaki o babae ayon sa ipinakikiusap—ang Birhen ng Salambaw, si San Pascual Bailon, at si Sta. Clara.
22 Salamat
sa napakarunong na payo, di-nagtagal at nakaramdam si Doña Pia ng
pagiging ina...Ngunit Ay! Naging
tulad
siya
ng
mangingisdang ikinuwento ni Shakespeare sa Macbeth na huminto sa
pagkanta nang makatuklas ng kayamanan. Biglang
naglaho ang kaniyang pagkamasayahin, lagi nang malungkot, at hindi na
muling nakitang ngumiti.
23 "Natural
ang ganiyan sa mga manganganak," sabi ng lahat, kabilang si
Kapitan Tiago. Nilagnat siya pagkapanganak at ito ang tumapos sa
lihim niyang kalungkutan. Naiwan ang isang magandang sanggol na
babae, kung kanino si P. Damaso mismo ang tumayong ninong. Dahil
hindi ibinigay ni San Pascual ang hininging anak na lalaki,
pinangalanan siyang
Maria Clara
sa
ngalan ng Birhen ng Salambaw at ni Sta. Clara. Katahimikan
ang nagsilbing parusa sa dakilang si San Pascual.
24 Pinalaki ang batang babae ng kaniyang Tia Isabel, ang mabuting aleng parang mongha na nakilala natin noong simula ng kuwento. Malaking bahagi ng kabataan niya ang ginugol niya sa San Diego dahil mabuti sa kalusugan ang klima nito, at dito ay inalagaan siyang mabuti ni Padre Damaso.
25 Hindi singkit na tulad ng sa kaniyang ama ang mga mata ni Maria Clara, kundi tulad ng sa kaniyang ina—malalaki, maiitim, mahahaba ang pilik—maliligaya at nakangiti tuwing naglalaro, ngunit malulungkot, malalalim, at mapag-isip kapag panahon ng pahinga. Noong bata pa, kulot ang kaniyang buhok at halos kulay-ginto. Hindi masyadong matangos at di naman pango ang kaniyang ilong. Ang bibig niyang may mga dimple sa gilid ay kamukha ng maliit at kaakit-akit na bibig ng kaniyang ina. Pino tulad ng sa sibuyas ang kaniyang balat at kasimputi ng bulak, ayon sa nagtataka niyang mga kamag-anak. Nakita nila ang dugo ni Kapitan Tiago sa mga tainga niyang maliit at maganda ang hugis.
24 Pinalaki ang batang babae ng kaniyang Tia Isabel, ang mabuting aleng parang mongha na nakilala natin noong simula ng kuwento. Malaking bahagi ng kabataan niya ang ginugol niya sa San Diego dahil mabuti sa kalusugan ang klima nito, at dito ay inalagaan siyang mabuti ni Padre Damaso.
25 Hindi singkit na tulad ng sa kaniyang ama ang mga mata ni Maria Clara, kundi tulad ng sa kaniyang ina—malalaki, maiitim, mahahaba ang pilik—maliligaya at nakangiti tuwing naglalaro, ngunit malulungkot, malalalim, at mapag-isip kapag panahon ng pahinga. Noong bata pa, kulot ang kaniyang buhok at halos kulay-ginto. Hindi masyadong matangos at di naman pango ang kaniyang ilong. Ang bibig niyang may mga dimple sa gilid ay kamukha ng maliit at kaakit-akit na bibig ng kaniyang ina. Pino tulad ng sa sibuyas ang kaniyang balat at kasimputi ng bulak, ayon sa nagtataka niyang mga kamag-anak. Nakita nila ang dugo ni Kapitan Tiago sa mga tainga niyang maliit at maganda ang hugis.
26 Naniniwala
si Tia Isabel na nagkaroon ang bata ng mga katangiang Europeo dahil
sa paglilihi ni Doña Pia; madalas niya itong nakitang umiiyak sa
harap ni San Antonio noong mga unang buwan ng pagbubuntis. Ganoon din
ang opinyon ng isa pang pinsan ni Kapitan Tiago, iba lang ang
pinagpipiliang santo—kundi ang Birhen mismo ay si San Miguel. Isa
namang pilosopong kabisado ang Amat6—pinsan
ni Capitan Tinong—ang naghanap ng paliwanag sa mga
planeta.
27 Hinahangaan ng lahat, lumaki si Ma. Clara sa gitna ng mga ngiti't pagmamahal. Pinaulanan siya ng atensyon maging ng mga prayle sa tuwing naroon siya sa mga prusisyon—nakaputi, may mga sampaguita at azucena sa malago niyang buhok, may dalawang munting pakpak na gawa sa ginto't pilak na nakakabit sa likod ng bestida, at may isang pares ng puting kalapating tinalian ng lasong asul sa kaniyang mga kamay. Pagkatapos, magiging napakasaya niya at magsasalita siya nang napakatamis sa kaniyang batang pagkasimple, kaya walang magawa ang nasa-langit na si Kapitan Tiago kundi pasalamatan ang mga santo ng Obando at hikayatin ang lahat na bumili ng magagandang eskultura.
28 Sa mga bayang tropikal, ang batang babaeng may 13 o 14 na taon ay nagiging dalaga tulad ng buko ng panggabing bulaklak na bumubukadkad sa umaga. Sa panahong ito ng pagbabago, si Ma. Clarang umaapaw sa hiwaga at romansa ay ipinasok sa Beaterio ng Sta. Catalina upang tumanggap ng istriktong relihiyosong pagsasanay mula sa mga madre roon. Lumuluha siyang nagpaalam kay P. Damaso at sa kaisa-isang binatang naging kaibigan niya mula kabataan, si Crisostomo Ibarra, na umalis din papuntang Europa pagkatapos ng maikling panahon. Sa kumbentong iyong nakikipag-usap sa mundo mula sa likod ng mga rehas, nanatili siya nang 7 taon.
29 Dahil sa kani-kaniyang layunin at mulat sa pagtingin ng dalaga't binata sa isa't isa, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na ipakasal ang kanilang mga anak at magsimula ng pagsososyo sa negosyo. Ang kasunduang itong naganap ilang taon pagkaalis ng batang Ibarra ay ipinagdiwang nang may magkatulad na galak ng dalawang pusong nasa magkabilang panig ng mundo at magkaibang-magkaiba ang kalagayan.
27 Hinahangaan ng lahat, lumaki si Ma. Clara sa gitna ng mga ngiti't pagmamahal. Pinaulanan siya ng atensyon maging ng mga prayle sa tuwing naroon siya sa mga prusisyon—nakaputi, may mga sampaguita at azucena sa malago niyang buhok, may dalawang munting pakpak na gawa sa ginto't pilak na nakakabit sa likod ng bestida, at may isang pares ng puting kalapating tinalian ng lasong asul sa kaniyang mga kamay. Pagkatapos, magiging napakasaya niya at magsasalita siya nang napakatamis sa kaniyang batang pagkasimple, kaya walang magawa ang nasa-langit na si Kapitan Tiago kundi pasalamatan ang mga santo ng Obando at hikayatin ang lahat na bumili ng magagandang eskultura.
28 Sa mga bayang tropikal, ang batang babaeng may 13 o 14 na taon ay nagiging dalaga tulad ng buko ng panggabing bulaklak na bumubukadkad sa umaga. Sa panahong ito ng pagbabago, si Ma. Clarang umaapaw sa hiwaga at romansa ay ipinasok sa Beaterio ng Sta. Catalina upang tumanggap ng istriktong relihiyosong pagsasanay mula sa mga madre roon. Lumuluha siyang nagpaalam kay P. Damaso at sa kaisa-isang binatang naging kaibigan niya mula kabataan, si Crisostomo Ibarra, na umalis din papuntang Europa pagkatapos ng maikling panahon. Sa kumbentong iyong nakikipag-usap sa mundo mula sa likod ng mga rehas, nanatili siya nang 7 taon.
29 Dahil sa kani-kaniyang layunin at mulat sa pagtingin ng dalaga't binata sa isa't isa, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na ipakasal ang kanilang mga anak at magsimula ng pagsososyo sa negosyo. Ang kasunduang itong naganap ilang taon pagkaalis ng batang Ibarra ay ipinagdiwang nang may magkatulad na galak ng dalawang pusong nasa magkabilang panig ng mundo at magkaibang-magkaiba ang kalagayan.
1
Our Lady of Peace and Good Voyage
2
Ang augur sa sinaunang Roma ay isang taong nagbabasa ng mga
natural na senyales, lalo na ang kilos ng mga ibon, upang malaman
kung sang-ayon o hindi ang mga diyos sa isang balak gawin (iBooks
Dictionary)
3loa=katutubong
talumpating patula
4
“Mapalad ang may kababaang-loob.” (Blessed are the poor in
spirit.) At “Mapalad ang nagmamay-ari.” (Derbyshire 1912)
5
balo=babaeng namatayan ng asawa; widow
6Ang
Amat—isang akda ng pilosopiyang eskolastiko na isinulat ni Felix
Torres Amat, arsobispo ng Tarragona, Espanya.
“May
mga imahen ng Banal na Mag-anak na may ulo, kamay, at paang gawa sa
garing; mga
matang kristal; mahahabang pilikmata; at kulot na dilaw na buhok—mga
obra maestra
ng eskulturang Santa Cruz. mga larawang gawa ng mga pintor na
taga-Paco at Ermita tungkol sa pagkamartir ng mga santo, mga milagro
ng Birhen, atbp.; si Santa Lucia-- nakatingala at may dalang platong
may dalawang matang kamukha ng nakaguhit sa tatsulok ng Trinidad o
sa mga kabaong ng Ehiptol; si San Pascual Baylon at si San Antonio
de Padua—nakadamit-pari at naiiyak na nakatingin sa Sto. Niñong
nakabihis-Capitan General. Para kay Cap. Tiago, ang ibig sabihin
nito ay kahit ibigay pa ng Diyos sa Kaniya ang kapangyarihan ng
isang Capitan General sa Filipinas, ay paglalaruan pa rin Siyang
parang manika ng mga Pransiskano.
Mayroon
ding San Antonio, may katabing baboy na para kay Capn. Tiago ay
milagroso ring tulad ng santo; isang San Francisco de Asis na may 7
pakpak at kulay-kape ang abito, sa ibabaw ng isang San Vicente na
dalawa lang ang pakpak pero may hawak na torotot; isang San Pedro
martir na biniyak ang ulo ng bolo katabi ng isang San Pedrong
pinuputol ang tenga ng isang Morong kagat-kagat ang labi sa sakit
habang tumitilaok ang isang pansabong na manok. Para
kay Capn. Tiago ang ibig sabihin nito ay para maging santo, pareho
lang ang manugat o masugatan.”
ii
Bahaging tinanggal: “Alam
ng lahat ang tungkol sa isang imahen ni Kristo sa Espanya, kapag
pinatetestigo sa mga sumpa ng pag-ibig ay sumasang-ayon sa
pamamagitan ng paggalaw ng ulo sa harap ng huwes, at na ang isang
katulad nito ay nag-abot ng kanang braso upang yakapin si Santa
Lutgarda. At dagdag pa rito, hindi ba’t siya mismo ay nakabasa ng
isang manipis na librong kalalathala lang tungkol sa isang sermong
inulit ng imahen ni Santo Diminico sa Soriano? Totoong walang sinabi
ni isang salita ang santo, pero mula sa mga kilos niya mahihinuha
natin, o kahit ng nagsulat lang ng manipis na libro, na ibinabalita
nito ang katapusan ng mundo. Hindi ba’t nababalita rin
na ang Birhen ng Luta sa
bayan ng Lipa ay may isang pisnging mas namamaga kaysa ang kabila,
at na may putik ang laylayan ng kaniyang palda? Hindi ba’t
napatutunayan nito na
naglalakad din ang mga banal na imahen nang hindi iniaangat ang
kanilang mga palda at minsan ding sumasakit ang ngipin, marahil para
sa atin? Hindi ba nakita mismo ng kaniyang mga mata, habang
nagsesemon ang pari noong isang Biyernes Santo, ang lahat ng imahen
ni Kristo na gumalaw at tatlong ulit na tumango nang sabay-sabay,
kaya napasigaw at naiyak ang mga kababaihan at iba pang kaluluwang
siguradong pupunta sa langit? Sige pa? Nakita ko mismo ang isang
pari sa sandali ng pagbaba mula sa krus ay nagpakita ng isang
panyong may dugo, na muntik ko na ring iyakan kundi sinabi ng isang
sacristan na kalokohan lang ang lahat at dugo iyon ng manok na
nilitson
at kinain agad kahit
Biyernes Santo—at
mataba ang sacristan!”
iii
Detalye ukol sa
paligsahan nina Tiago at Patrocinio: “Nagbigay
ba si Capitan Tiago sa kung sinong Birhen ng patpat na pilak na may
mga esmeralda at topasyo? Agad-agad na nagpapagawa si Doña
Patrocinio ng ginto namang may mga diyamante! Kung sa panahon ng
prusisyon ng La Naval ay nagpatayo si Capitan Tiago ng arkong may 2
panig na may dekorasyong lukot na tela, salamin, mga bolang
babasagin, at aranya, magpapagawa si Doña Patrocinio ng sariling
arkong may 4 na panig na mas maraming dekorasyon at mas mataas nang
6 na talampakan. Saka babalik si Capitan Tiago sa kung saan
siguradong nakalalamang
siya—mga misang may paputok. Sa ganitong pagkakataon, walang
magawa si Doña Patrocinio kundi kagatin ang kaniyang mga labi gamit
ang mga gilagid niyang wala nang ngipin. Nerbiyosa kasi siya at
hindi matiis ang ingay ng kampana, kaya lalong hindi kaya ang
pagsabog ng mga bomba. Habang nakangiting matagumpay si Tiago,
paplanuhin ng Doña ang kaniyang paghihiganti. Ibabayad niya ang
pera ng iba para makuha ang pinakamagagaling magtalumpati sa limang
Orden sa Maynila, ang mga pinakasikat sa pagsesermon sa Katedral, at
pati ang mga Paulista. Sa mga banal na araw, ipinaliliwanag nila ang
malalim na teolohiya sa mga makasalanang wika lang ng mangingisda
ang naiintindihan. Napapansin
ng mga kakampi ni Tiago na tinutulugan ng Doña ang sermon. Sinasabi
naman ng mga kakampi ng babae na nabayaran na ang sermon at iyon ang
pinakamahalaga. Kung anuman, talung-talo na ng Doña si Tiago dahil
sa alay niya sa simbahan na 3 anda
na tinubog sa pilak na binili niya nang tatlong libong piso bawat
isa. Hinahangad ni Capitan Tiago na malagutan ng hininga ang
matandang babae, o na matalo ito sa lima o anim sa mga demanda laban
sa kaniya, upang maging mag-isa siya sa paglilingkod sa Diyos.
Ngunit ang
pinakamahuhusay na abogado sa Real Audiencia ang may-hawak sa
interes ng babae. Tungkol naman sa kalusugan, walang bahagi niya na
tinatablan ng sakit. Para siyang alambreng bakal, walang-dudang para
sa kapakanan ng mga kaluluwa, at kumakapit siya sa lambak na ito ng
luha tulad ng isang pigsa sa balat.
No comments:
Post a Comment