2
CRISOSTOMO
IBARRA1
Hindi
sila magagandang babae o mga binatang magagara ang suot para pansinin
ni Padre Sybila at iba pa. Hindi ang Kapitan Heneral at mga alagad
niya para hilahin ang Tenyente sa malalim niyang pag-iisip at para
manigas sa takot si Padre Damaso. Sila ang orihinal ng larawang
nakafrak at isang binatang nakaitim.
“Magandang
gabi, mga Senyor. Magandang gabi, Padre,” sabi ni Kapitan Tiagong
humalik sa kamay ng mga prayleng nakalimot na basbasan siya.
Nag-alis ng salamin ang Dominiko para pagmasdan ang binatang
bagong-dating. Si
Padre Damaso nama’y namutla at lumuwa ang mga mata.
“Karangalan
kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng yumao kong
kaibigan,” patuloy ni Kapitan Tiago. “Kararating
lang ng ginoong ito mula sa Europa at gusto kong makilala n’yo
siya.”
Inulit
ng ilan ang pangalang binanggit. Nalimutan ng Tenyenteng batiin ang
nag-imbita, nilapitan ang binata, at pinagmasdan ito mula paa
hanggang ulo. Binabati nito ang mga ipinakilala. Walang espesyal sa
kaniya kundi ang suot niyang itim sa gitna ng salang iyon. Maaamoy sa
kaniyang tangkad, kabuuang hitsura, at mga kilos ang isang kabataang
sabay na nahubog ang isip at kaluluwa. Mahahalata sa kaniyang bukas
at masayang mukha ang bahid ng dugong Espanyol sa ilalim ng magandang
kulay-kayumanggi. Medyo kulay-rosas ang pisngi, epekto marahil ng
matagal na paninirahan sa malalamig na bansa.
“Aba,
teka!” sabi niyang may pagkagulat. “Ang kura ng aking bayan!
Padre Damaso, ang matalik na kaibigan ng aking ama!”
Napatingin
ang lahat sa Pransiskanong hindi gumagalaw.
“Patawad,
nagkamali ako,” dagdag ni Ibarrang nalilito.
“Hindi
ka nagkamali,” sagot sa wakas ng pari sa tonong nagbago. “Pero
kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.”
Unti-unting
binawi ni Ibarra ang iniabot na kamay at minasdan ang pari nang gulat
na gulat. Lumingon siya at nakaharap ang malungkot na anyo ng
tenyente na patuloy siyang pinagmamasdan.
“Hijo,
kayo ba ang anak ni Don Rafael Ibarra?”
Tumango
ang binata.
Medyo
tumayo si Padre Damaso mula sa kaniyang silya at tinitigan ang
tenyente.
“Maligayang
pagdating sa iyong bansa at sana’y mas lumigaya ka rito kaysa iyong
ama,” sabi ng sundalo sa nanginginig na boses. “Nakilala ko siya
at masasabi kong isa siya sa pinakakarapat-dapat at
pinakakagalang-galang sa Filipinas.”
“Senyor,”
madamdaming sagot ni Ibarra, “binubura ng parangal ninyo ang mga
duda ko tungkol sa kaniyang kapalaran kung saan ako, ang kaniyang
anak, ay wala pang alam.”
Napuno
ng luha ang mga mata ng matanda. Tumalikod ito at nagmamadaling
umalis.
Nakita
ng binatang nag-iisa siya sa sala. Nawala ang may-ari ng bahay at
walang magpapakilala sa kaniya sa mga dalagang nakatingin sa kaniya.
Pagkatapos mag-alangan ng ilang segundo, humarap siya sa kanila sa
paraang simple at natural.
Sabi
niya: “Hayaan ninyo akong di sumunod sa istriktong etiketa. Nalayo
ako sa bansa nitong nakaraang 7 taon. At ngayong nakabalik na ako’y
di ko maiwasang batiin ang pinakamahahalaga niyang dekorasyon2—ang
kaniyang mga kababaihan.
Dahil
walang nangahas na sumagot, napilitan ang binatang lumayo. Pumunta
naman siya sa isang grupo ng lalaking bumuo ng kalahating bilog nang
makitang paparating siya.
“Mga
Ginoo,” sabi niya sa kanila, “may kaugalian sa Alemanya na kapag
wala kang kakilala sa isang pagtitipon at walang magpapakilala sa iyo
ay ikaw mismo ang magsasabi ng iyong pangalan at ito rin ang gagawin
ng iba. Hayaan ninyo akong gawin ito hindi upang magpauso ng bagong
kaugalian, dahil magaganda ang atin, kundi dahil napipilitan lamang
ako. Bumati na ako sa mga nakatataas at sa mga kababaihan ng aking
bayan. Ngayon nama’y nais kong batiin ang mga mamamayan at aking
mga kababayan. Mga Ginoo, ako si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.”
Ang
mga iba’y nagbigay ng mga pangalang humigit-kumulang
hindi-mahalaga, humigit-kumulang hindi-kilala.
“Ako
si A----!” walang-ganang sabi ng isang binatang halos hindi
yumukod.
“Mukhang
karangalan ko ngayong makilala ang
nagsulat ng mga tulang nagpanatili ng aking nasyonalismo? Sabi nila'y
hindi na kayo nagsusulat ngunit hindi nila sinabi kung bakit...”
“Bakit?
Dahil hindi ko alipin ang inspirasyon at ayokong magsinungaling. May
nagkakaso nga dahil tinula ang isang kasabihang alam na ng lahat.
Ayos lang na tawagin nila akong makata, pero ayokong matawag na
baliw!”
“At
maaari ko bang itanong kung anong kasabihan iyon?”
At
ang kakaibang binata’y umalis sa grupo.
Halos
tumatakbong dumating ang isang ginoong nakangiti, taglay ang kasuotan
ng mga mamamayan ng bansa, may mga brilyanteng butones sa dibdib ng
kamiseta. Nilapitan niya si Ibarra, iniabot ang kamay, at nagwika:
“Senyor
Ibarra, matagal ko na kayong gustong makilala. Kaibigang matalik ko
si Kapitan Tiago at kilala ko ang inyong ginoong ama. Ako si Kapitan
Tinong. Nakatira ako sa Tondo kung saan maituturing ninyong may bahay
kayo. Umaasa akong ibibigay ninyo sa akin ang karangalan ng inyong
pagbisita. Makapupunta ba kayo bukas upang makikain sa amin?”
Natuwa
si Ibarra sa ganoong kabutihang-loob. Ngumiti si Capitan Tinong at
masayang pinagkiskis ang mga palad.
“Salamat
po!” madamdaming sagot ni Ibarra. “Ngunit bukas din ay aalis po
ako patungong San Diego.”
“Naku,
sayang! Kung gayo’y pagbalik na lamang ninyo.”
“Handa
na ang mesa!” pahayag ng isang serbidor4
ng Cafe La
Campana5.
Nagsimulang pumila tungo sa hapag-kainan ang mga tao sa tulong ng
pakikiusap ng mga kababaihan, lalo na ng mga Filipina.
1Ilalarawan
sa kabanatang ito ang bida ng nobela. Salungguhitan ang mga
detalyeng naglalarawan sa kaniyang hitsura, pag-iisip, at
relasyon/epekto sa mga tao.
2
Sp. adorno=decoration (Williams 1989). Kaya pala siya
hindi pinansin ng mga kinausap.
3
islogang ginamit ng mga tagasuporta ng mga republikanong Espanyol
(Lacson-Locsin 2004)
4
waiter (English 1977)
5
restawran sa Escolta, pinaka-“sosyal” noong panahong iyon
No comments:
Post a Comment