Sunday, February 16, 2014

Pamagat at mga Pambungad

J.Rizal.










NOLI ME TÁNGERE.


Nobelang Tagalog.












Ano? Wala bang César na lilitaw


sa inyong entablado? Wala nang Achilles,


Orestes o Andromaca na magpapakita ng sarili?




Naku! Walang makikita kundi mga konsehal,


mga cura[1], mga alférez[2] at mga sekretaryo,


mga de-kabayong comandante[3] at mga alguacil[4].




Ngunit sabihin mo, kaibigan, anong kadakilaan


ang magagawa ng mga walang-kuwentang iyan?


Anong kahanga-hanga mula sa mga pesteng daga?




Schiller. Anino ni Shakespeare.
































Sa Aking Lupang Tinubuan




Nakasulat sa kasaysayan ng mga sakit ng tao ang isang klase ng kanser na napakadelikado—mahawakan lang nang kaunti ay naiirita at sobra nang sakit. Kaya naman—madalas sa gitna ng mga modernong sibilisasyon ay gusto kitang tawagin, minsan para samahan ako ng iyong alaala, minsan para ikumpara ka sa ibang bansa—ganoon karaming beses humaharap sa akin ang mahal mong larawan na may kanser-panlipunan na tulad ng nasabi.




Para sa kalusugan mo na kalusugan ko rin, gagawin ko sa iyo ang ginawa ng mga sinaunang tao sa kanilang maysakit: ipupuwesto kita sa hagdan ng templo para sinumang magdaan para humarap sa Banal ay makapagbigay ng solusyon.




Kaya ilalarawan ko nang tapat ang kalagayan mo nang walang pagdadalawang-isip. Itataas ko ang telang nakatakip sa mga sugat mo, isasakripisyo sa katotohanan ang lahat pati sariling dangal-- dahil bilang anak mo, ipinagdurusa ko rin ang mga depekto mo't kahinaan.




Ang may-akda.


Europa 1886.




[1] pari (pangalawang kahulugan ang ‘pagkalinga’ o care)
[2] second lieutenant
[3] major
[4] sheriff

No comments:

Post a Comment