3
ANG
HAPUNAN
Masaya
na si Padre Sybila. Payapa siyang naglalakad at kinausap pa nga ang
pilay na si Dr. de Espadaña. Putol-putol ang sagot nito sa kaniya
dahil sa kaunting pagkautal2.
Masama ang timpla ng
Pransiskano. Sinipa niya ang mga upuang nakaharang at may siniko pang
kadete. Seryo3
naman ang Teniente. Masiglang pinag-uusapan ng iba ang
kamangha-manghang mesa. Nagkunot naman ng ilong si Dona Victorina,
ngunit galit na napalingon tulad ng ahas dahil naapakan ng Teniente
ang laylayan ng kaniyang damit.
“Wala
ba kayong mga mata?” sabi niya.
“Mayroon,
Senyora at mas malinaw kaysa inyo. Pero pinagmamasdan ko ang inyong
mga kulot,” sagot ng walang-galang na militar at lumayo.
Natural
na pumunta ang dalawang pari sa kabisera4;
nakasanayan siguro. At nangyari ang kamukha ng inaasahan sa mga
magkaribal sa pagkapropesor—pinupuri ang kalaban habang
ipinahihiwatig ang kabaligtaran. At kapag hindi nakuha ang posisyon,
magrereklamo at makikipagbulungan.
“Para
sa inyo, Padre Damaso!”
“Para
sa inyo, Padre Sybila!”
“Mas
matagal nang kakilala ng bahay...confesor5
ng yumaong maybahay...edad, dignidad, at pamamahala.”
“Hindi
pa naman masyadong maedad! Sa kabilang banda kayo ang kura ng
distrito,” matabang na sagot ni Padre Damasong hindi pa rin
binibitawan ang silya.
“Dahil
kayo ang nag-utos, susunod ako,” pagtatapos ni Padre Sybila at
pumuwestong uupo.
“Hindi
kita inuutusan!” tutol ng Pransiskano. “Hindi kita inuutusan!”
Uupo
na sana si Padre Sybila nang magkasalubong sila ng tingin ng
Teniente. Para sa mga pari sa Filipinas, ang pinakamataas na opisyal
ay mas mababa pa rin sa kusinero ng simbahan. Cedant
arma togæ6
sabi ni Cicero sa Senado; cedant
arma cottæ7
ang
sinasabi ng relihiyon sa Filipinas. Ngunit
may-pinag-aralang tao si Padre Sybila at nagsabing:
“Senyor
Tenyente, nasa mundo tayo at wala sa simbahan...sa inyo nararapat ang
lugar na ito.”
Pero
batay sa tono niya, kahit sa mundo’y kanya ang upuan. Tumanggi ang
Tenyente baka dahil ayaw na ng gulo o baka ayaw maupo sa gitna ng
dalawang prayle.
Walang
nakaalala sa may-ari ng bahay. Nakita
ni Ibarra si Kapitan Tiagong nakangiti, pinagmamasdan ang eksena nang
buong galak.
“A,
Don Santiago, hindi po ba kayo makikisalo sa amin?”
“Huwag
kayong mabahala! Huwag kayong tatayo!” sabi ni Kapitan Tiagong
ipinatong ang kamay sa balikat ni Ibarra. “Kaya
may handaan ay bilang pasasalamat sa Birhen sa inyong pagdating.
Aba’y ilabas ang tinola! Nagpagawa ako ng tinola dahil alam kong
matagal mo na itong hindi natitikman.”
Naglabas
sila ng malaking umaasong mangkok. Ang Dominiko, pagkatapos ibulong
ang Benedicite9
na halos walang nakaaalam kung paano sagutin, ay nagsimulang ibahagi
ang laman. Napunta kay Padre Damaso ang platong puro upo at sabaw,
hubad na leeg at matigas na pakpak ng inahing manok. Ang iba’y
kumakain ng mga hita at dibdib. Pinakamasuwerte si Ibarrang nakuha
ang mga lamang-loob. Nakita ng Pransiskano ang lahat ng ito—dinurog
niya ang upo, humigop ng kaunting sabaw, ibinagsak ang kutsara, at
padabog na itinulak ang kaniyang plato. Ang Dominiko’y abala sa
pakikipag-usap sa binatang dilaw ang buhok.
“Gaano
kayo katagal nalayo sa bansa?” tanong ni Laruja kay Ibarra.
“Halos
pitong taon.”
“Aba!
E di nalimutan n’yo na siguro ito.”
“Kabaliktaran!
Ako ang tila nalimot nito. Ngunit lagi ko pa rin itong naiisip.”
“Ano
ang ibig n’yong sabihin?” tanong ng binatang dilaw ang buhok.
“Ibig
kong sabihin: isang taon na akong walang balita ukol sa bansa. Para
na akong dayuhang hindi man lang nakaaalam kung kailan at paano
namatay ang aking ama!”
“Ah!”
bulalas ng Teniente.
“At
nasaan ba kayo’t hindi nakatanggap ng telegrapo?” tanong ni Doña
Victorina. “Nang ikasal kami’y tinelegrapo namin ang Peñinsula10.”
Naisip
magsalita ni Dr. de Espadañang hanggang ngayo’y hindi pa
nangangahas makipag-usap.
“Na...nakilala
ko sa Espanya ang isang Polakong14
taga-Va...Varsovia, ngala’y Stadnitzkik kung tama ang pagkakaalala
ko. Nagkataon kayang makilala n’yo siya?” tanong niyang nahihiya
at halos namumula.
“Napakaposible,”
magalang na sagot ni Ibarra, “ngunit sa sandaling ito’y hindi ko
siya maalala.”
“Pero
hindi n’yo siya maipag...maipagkakamali sa iba,” dagdag ng doktor
na nabuhayan ng pag-asa: “kulay ginto ang kaniyang buhok at masama
siyang mag-Espanyol.”
“Mahuhusay
na tanda. Ngunit, sa kasamaang-palad, hindi sila nagsasalita roon ng
kahit isang salitang Espanyol liban sa ilang konsulado.”
“At
paano ang ginawa ninyo?” may-paghangang tanong ni Doña Victorina.
“Ginamit
ko po ang wika ng bansa, Senyora.”
“Nagsasalita
din ba kayo ng Ingles?” tanong ng Dominikong tumira sa Hong Kong at
marunong ng Pidgin-English—iyong pagpapalabnaw sa wika ni
Shakespeare na gawa ng mga anak ng Imperio Celeste15.
“Nakaisang
taon ako sa Inglatera, kasama ng mga taong Ingles lang ang
sinasalita.”
“At
aling bansa sa Europa ang pinakanagustuhan ninyo?” tanong ng
binatang dilaw ang buhok.
“Bukod
sa Espanya—ang pangalawa kong
inang bayan, alinmang bansa sa malayang Europa.”
“At
sa dami ng inyong nilakbay, ano ang pinakakapansin-pansin ninyong
nakita?” tanong ni Laruja.
“Kapansin-pansin...sa
anong paraan?”
“Halimbawa...tungkol
sa buhay ng mga tao...sa kanilang lipunan, pulitika, relihiyon; sa
pangkalahatan...”
Matagal
na napaisip si Ibarra.
“Ang
kapansin-pansin sa kanila , bukod
sa nasyonalismo... Bago ako bumisita sa isang bayan, pinag-aaralan
ko ang kanilang kasaysayan. At napansin
kong ang kaunlaran o
kahirapan ng isang bansa ay depende sa kaniyang kalayaan at kasamaan,
at sa sakripisyo o pagkamakasarili ng kaniyang mga ninuno.”
“Iyon
lang ang napansin mo?” tanong na
may pauyam na halkhak ng Pransiskanong ngayon lang uli nagsalita.
“Sayang ang pagwawaldas mo ng kayamanan kung ganiyan kakaunti ang
matututuhan. Alam iyan ng kahit sinong bata sa eskwela!”
Hindi
malaman ni Ibarra ang sasabihin. Nagkatinginan naman ang mga iba't
baka magkaeskandalo. “Patapos na ang hapunan at sapat na ang
nakain ng Inyong Reberensiya,” sasabihin sana ng binata, ngunit
pinigilan niya ang sarili at ito na lamang ang sinabi:
“Mga
Ginoo, huwag kayong magtaka sa pamilyaridad sa akin ng ating kaibigan
at dating kura. Ganiyan siya sa akin noong bata pa ako at mukhang
para sa Kaniyang Reberensiya’y walang nagbago sa pagdaan ng mga
taon. Ngunit kinikilala kong utang na loob dahil malinaw pa sa aking
alaala ang panahong madalas bumisita sa aming tahanan ang Kaniyang
Reberensiya at binibigyang-dangal ang mesa ng aking ama.”
Patagong
tinitingnan ng Dominiko ang Pransiskanong nanginginig. Tumayo si
Ibarra at nagpatuloy:
“Hayaan
sana ninyo akong mauna sapagkat kararating ko lang at marami pang
aayusin para sa pag-alis ko bukas. Patapos na naman ang hapunan at
kaunti lang akong mag-alak at halos di umiinom ng mga liquor.
Gayumpaman...para sa Espanya at sa Filipinas!”
At
inubos ang laman ng kopitang noon lamang niya ginalaw. Ang matandang
Teniente’y gayon din ang ginawa nang walang binibigkas na salita.
“Huwag
muna kayong umalis,” pabulong na pakiusap ni Kapitan Tiago.
“Parating na si Maria Clara, sinundo ni Isabel. Darating
din ang bagong kura ng inyong bayan, isa siyang santo.”
“Babalik
po ako bukas, bago umalis. May kailangan lang po akong bisitahin
ngayon.”
At
siya’y umalis. Samantala, naglalabas naman ng damdamin ang
Pransiskano.
“Nakita
n’yo na!” sabi ng relihiyoso sa binatang dilaw ang buhok,
kumukumpas gamit ang kutsilyo para sa panghimagas16.
“Bunga iyan ng pagmamalaki! Hindi mapagsabihan ng pari! Akala
nila’y disente na silang tao. Iyan ang masamang epekto ng
pagpapadala ng mga bata sa Europa. Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno.”
“At
ang Tenyente?” sabi ni Doña Victorinang kumakampi sa Pransiskano.
“Kunot
ang noo buong gabi. Mabuti ngang umalis siya. Napakatanda
na’t...tenyente pa lang!”
Hindi
malimutan ng babae ang alusyon sa kaniyang mga kulot at ang naapakan
niyang laylayan.
Noong
gabing iyon, isinusulat ng binatang dilaw ang buhok—bukod sa iba
pang bagay—ang susunod na kabanata ng kaniyang “Estudios
Coloniales17”:
“Kung paanong ang isang pakpak at isang leeg ng manok sa platong
tinola ng isang prayle ay puwedeng sumira sa kasiyahan ng isang
pista.” At isa sa kaniyang mga obserbasyon ay ito: “Sa
Filipinas, ang pinakawalang-kuwenta sa isang hapunan o pista ay ang
nag-imbita. Ang may-ari ng bahay ay maaaring itapon sa kalsada at
magpapatuloy ang lahat nang parang walang nangyari. Sa ngayon, mas
makabubuti sa mga Filipinong hindi payagang umalis ng bansa ni turuan
kung paano magbasa...”
1
Kasabihang pinaghalong Tagalog at Espanyol. Hele-hele=kunwari
ayaw pero gusto. (Diksyunaryo 1989)
4
head of the table
5
confessor
7
Magbigay-daan ang armas sa puting-damit-ng-pari (relihiyon).
(Poblete 1909)
8
General ng mga Romanong kilalang mahilig magpakain nang en
grande. (Poblete 1909)
9
panalanging Latin na binibigkas ng mga pari bago kumain (Poblete
1909)
10Peninsula=Espanya.
Ngunit Peñinsulang may ‘ñ’ ang nakasulat dahil
karaniwan sa mga Pilipinong nagpapasosyal ang palitan ng ñ
ang dapat nama’y n. (Derbyshire 1912)
11
Northern Europe
12
Germany
13
Russian Poland
14
taga-Polonya
16
kutsilyo para sa mga panghimagas=dessert knife
No comments:
Post a Comment